^

Probinsiya

15th National Mango Congress sa Zambales

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

ZAMBALES, Philippines  â€”Nakatakdang idaos ang 15th National Mango Congress na gaganapin sa  Ramon Magsaysay Technological University Convention Center simula sa Marso 20 hanggang 22,  2013.

Ang taunang pagtitipon ng mga stakeholders sa larangan ng industriya ng mangga ay isinabay sa 13th Zambales Mango Festival na gagawin naman sa Zambales Sports Complex na tatagal hanggang Marso 24.

“Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang mango congress ay gagawin sa Zambales. Mahalaga rin aniya ang nasa­bing pagtitipon upang higit na mapalakas ang industriya ng  pagma-mangga at masuri pa ang potensyal nito.” Pahayag ni Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr.

Ayon naman kay Zambales Tourism Officer Domitela Mora, makikilahok sa 13th Zambales Mango Festival ang mga kilalang delegado ng National Mango Congress na sina Agriculture Sec. Proceso Alcala, Sen. Edgardo Angara na nakatakdang koronahan ang tatanghaling Ms. Zambales Senior Citizen at Bb. Pilipinas titlist Shamsey Supsup, Venus Raj, at si Janine Tugonon na dadalo naman sa pagbubukas ng Mango Festival.

Kabilang sa aktibidad ay ang Parayawan kung saan magtatagisan ang 13 bayan sa pagandahan ng kanilang town display, pinaka-LGU booth showcase ng kani-kanilang produkto, mga beauty pageants na Bb. Zambales at Ms. Zambales Senior Citizen.

May kompetisyon din sa street dancing, float and parade, san sculpting, drum and lyre.

AGRICULTURE SEC

EDGARDO ANGARA

HERMOGENES EBDANE JR.

JANINE TUGONON

MANGO FESTIVAL

MARSO

MS. ZAMBALES SENIOR CITIZEN

NATIONAL MANGO CONGRESS

ZAMBALES

ZAMBALES MANGO FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with