Department store tinangkang pasabugin
MANILA, Philippines - Nasilat ng pulisya ang ikinasang madugong pambobomba makaraang marekober ang improvised explosive device na ipinahatid sa tricycle driver ng di-kilalang lalaki para dalhin sa department store sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat noong Biyernes.
Sa police report na nakaraÂting sa Camp Crame, ang bomba ay inilagay sa ilalim ng paÂngargang gulay na inabandon sa asul na traysikel ni Jokarno Abas.
Sa pahayag ni Abas sa mga imbestigador, inutusan siya ng kaniyang pasaherong hindi nakilalang lalaki na ihatid ang bagahe ng gulay sa department store malapit sa national highway ng Poblacion.
Umabot sa 30-minuto na naghintay si Abas ngunit hindi dumarating ang kaniyang pasahero kaya napilitan itong dumulog sa himpilan ng pulisya. Dito na narekober ang pampasabog matapos suriin ang bagahe ng pasahero.
Agad namang nai-diffuse ng mga tauhan ng Explosives and Ordnance (EOD) team ng pulisya ang bomba na gawa sa dalawang 60mm mortar na ginamitan ng cell phone bilang triggering device bago pa man ito sumabog.
Pinaniniwalaan namang paÂngingikil sa nasabing department store ang motibo ng tangkang pagpapasabog.
- Latest