^

Probinsiya

Kumidnap sa trader, nadakma

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang ikaapat na miyembro ng notoryus na kidnap-for-ransom gang matapos na madakma sa Barangay Bagong Nayon sa bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Gregorio Sampaga ng Malolos City Regional Trial Court  Branch 78 sa kasong pagnanakaw, inaresto ang suspek na si Dennis “Dencio” Desiderio, 47, traysikel driver. Sa tala ng pulisya, si Desiderio ay isa sa mga suspek na isinangkot sa pagdukot sa biktimang si Emerson Magadia sa Barangay Sapang Putik, San Ildefonso, Bulacan noong Pebrero 14, 2013. Pinalaya naman ang biktima matapos makapagbigay ng P12- milyong ransom ang pamilya. Ayon kay P/Supt. Edwin Quilates, naunang nasakote ang iba pang suspek na sina Manuel Atencio ng Candaba, Pampanga; Azenith Briones, at si Ricardo Hovilla Jr. ng Brgy. Subic, Baliwag.

 

AZENITH BRIONES

BALIWAG

BARANGAY BAGONG NAYON

BARANGAY SAPANG PUTIK

BULACAN

DESIDERIO

EDWIN QUILATES

EMERSON MAGADIA

JUDGE GREGORIO SAMPAGA

MALOLOS CITY REGIONAL TRIAL COURT

MANUEL ATENCIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with