Army vs sekyu: 2 patay, 4 sugatan
MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi habang apat pa ang nasugatan matapos na mapagtripang pagbabarilin ng mga sekyu ang grupo ng sundalo at kasamahan nitong Army reservist na nauwi sa barilan sa Hacienda Handumanan, Barangay Concepcion, Talisay City, Negros Occidental kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ang mga nasaÂwing biktima na sina Francisco Lumagyao, 58; Federico Mandate, security guard sa pinag-aagawang hangganan ng lupain na taniman ng tubo.
Isinugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Army reservist Lolito Onate, Corporal Rene Escalona ng Phil. Army; mag-amang Boy Talimbo at Ralph Talimbao.
Base sa ulat ng Talisay City PNP na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-11 ng tanghali nang dumating sa Army Reservist outpost si Escalona kasama ang ilang sundalo at reservist lulan ng owner- type jeep.
Kinompronta ni Escalona ang mga sekyu na nagbabantay sa taniman ng tubo kaugnay sa panunutok ng baril sa kaniyang mga reserÂvist na nasa ilalim ng kaniyang pangangasiwa.
Nabatid na binabantayan ng magkabilang panig ang hangganan ng lupaing taniman ng tubo na pinag-aagawan ng isang negosyante at isang huwes sa Bacolod City.
Isa sa mga guwardiya ang nagpaputok at duguang bumagsak si Escalona na nasugatan sa kaliwang pisngi kung saan mabilis namang gumanti ng putok ang reserÂvist na kasamahang sundalo.
Sumiklab ang barilan ng ilang minuto kung saan natigil lamang matapos rumesponde ang mga operatiba ng pulisya.
- Latest