^

Probinsiya

5 pulis, 3 bumbero sugatan sa pagsabog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines —  Limang tauhan ng Rizal Provincial Police Office at tatlong civilian fire vo­lunteers ang iniulat na nasu­gatan matapos su­mabog ang opisina ng Special Weapons and Tactics (SWAT) sa loob ng Rizal PNP Headquarters sa bayan ng Taytay, Rizal kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga sugatan ay sina P/Chief Insp. Ruben Apostol, 30, deputy chief ng Scene of the Crime Operatives (SOCO); PO3 Ferdinand Jaramilla, 31; PO3 Ferdinand Nonesa, 43; PO3 Malvin Luisito Alfante; PO2 Jose Gafel Tiburcio; civilian volunteers na sina Jaime Valencia, Elpidio Asis, 51; at si Ramil de la Rosa.

Nabatid na unang na­mataan ang paglabas ng ma­kapal na usok sa opisina ng SWAT sa ng Rizal PNP HQ sa Hilltop, bayan ng Taytay.

Agad na nagtulung-tulong ang mga pulis sa pag-apula sa lumalaking apoy habang rumesponde na rin ang vo­lunteer fire brigade.

Abala ang mga ito sa pag-apula sa apoy nang uma­­lingaw­ngaw ang sunud-sunod na pagsabog kung saan nasugatan ang mga biktima.

Nabatid na pinasok pa ni Apostol ang opisina ng SWAT upang iligtas ang ilang importanteng papeles ngunit naipit ito sa loob nang maganap ang pagsabog.  

Nakalabas naman ito ng opisina sa pagsiksik sa kanyang sarili sa winasak nitong air-conditioning unit.

Bahagyang naapektuhan ang mga katabing SOCO headquarters, Rizal Association of Police Women Inc., Office of the Provincial Executive Senior Police Office (PESPO) at ang PPO cooperative.

Anim na pampubliko at pribadong sasakyan na nakaparada malapit sa nasunog na tanggapan ang bahagyang nawasak kung saan naapula naman ang sunog bandang alas-6:50 ng umaga na umabot­ sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang nawasak.

vuukle comment

ASSOCIATION OF POLICE WOMEN INC

CHIEF INSP

ELPIDIO ASIS

FERDINAND JARAMILLA

FERDINAND NONESA

JAIME VALENCIA

JOSE GAFEL TIBURCIO

RIZAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with