Sindikato ng kidnap/robbery-slay gang nalansag
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nalansag ng mga operatiba ng pulisya ang kilabot na sindikatong responsable sa mga kaso ng pagdukot, panghoholdap at pamamaslang sa kanilang mga biktima kasunod ng pagkakasakote sa lider ng grupo at mga tauhan nito sa isinagawang operasyon sa Gonzaga, Cagayan kamakalawa.
Ayon kay Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Rodrigo de Gracia, ang pagkakaaresto sa suspek na si Rodrigo Pascua, lider ng grupo ay taliwas sa mga kumakalat na balitang dumudukot ng mga paslit ang sindikato at ibinebenta ang lamang loob ng kanilang biktima.
Kasamang nasakote ni Pascua matapos silang ituro ng isang biktimang nakatakas na si Roberto Pascua at daÂlawa pang babae.
Inamin ng nasakoteng lider na nakikipagkaibigan sila sa mga bababeng may edad saka aalukin na sumakay sa kanilang ibinabiyaheng van ng libre.
Kapag pumayag ang kanilang biktima ay doon nila hoholdapin at lilimasan ng pera at gamit saka nila papatayin at itatapon sa bangin.
Pinakahuli sa anim na biktimang inamin nitong kanilang napatay ay si Florence Mangosi ng lungsod na ito na natagpuang nakabulagta sa isang bangin sa Brgy. NasiÂping, Gattaran noong Peb. 28 ng taong ito.
- Latest