Clan war: pulis, 3 pa bulagta
MANILA, Philippines - Apat-katao kabilang ang isang pulis ang iniulat na nasawi habang anim naman ang nasugatan makaraang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng dalawang magkalabang angkan sa Sulu, ayon sa ulat kahapon.
Kabilang sa mga napaslang ay sina Bebilyn Sayah, dalawang tinukoy sa mga alyas na Dad at Madul Gayundin si PO1 Allad Lalihasan Sahi, miyembro ng Panglima Estino PNP.
Sugatan naman sina Abdu Sahibad, Mudar Kalil, Alkisar Hamsani, Nonjin Janna, Jinga Durang at si Ritz Ammad.
Sa imbestigasyon, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng magkalabang angkan nina Makintan Juraim at Hadjiron Saribon sa Barangay Lahing-Lahing, Omar.
Nabatid na muling nagsagupa ang dalawang angkan matapos na muling magkrus ang landas ng mga lider.
Sinasabing alitan sa teritoryo ng lupain ang ugat ng clan war na sinasabing mortal na magkaaway.
- Latest