Fratman dedo sa sekyu
CAVITE, Philippines – Napaslang ang 19-anyos na lalaki matapos barilin ng shotgun ng security guard sa loob ng subdibisyon sa Barangay Bayan Luma 7, Imus City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Pitong bala ng shotgun ang tumapos sa buhay si Vladimir Reyes habang nasakote naman ang suspek na si Richard Marto na nakatalaga sa Villa Celina Subdivision. Base sa police report, namagitan ang suspek sa magaganap na frat war ng dalawang grupo sa harapan ng gate ng nasabing subdibisyon subalit pinagbabato ito. Dito na binoga ang biktima na sinasabing sinugod at tangkang paluin ng matigas na bagay ang suspek kaya napilitang paputukan ito.
- Latest