^

Probinsiya

Trike vs van : 2 patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi makaraang salpukin ng isang rumaragasang van ang isang tricycle habang bumabagtas sa kahabaan ng Aguinaldo highway, Bonifacio Drive, Brgy. Silang West Crossing, Tagaytay City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Rogelio Estares, 66 anyos, electrician at Joseph Aguilar, 33 anyos.

Arestado naman ang driver na si Rommel Morales Sr., 41 at helper nitong si Tommy dela Cueva, 26 anyos.

Sa imbestigasyon ni PO2 Semdan Sitchon, may hawak ng kaso, dakong alas-8:20 ng umaga habang lulan ang mga biktima ng Kawasaki Barako 175 tricycle (DS9026) patungo sa silangang direksyon ng salpukin ng L300 Mitsubishi van (NID 670) na sinasakyan naman ng driver at helper nito.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na nag-overtake ang tricycle sa van na nagbunsod sa malagim na trahedya. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito.

 

vuukle comment

ARESTADO

BRGY

JOSEPH AGUILAR

KAWASAKI BARAKO

ROGELIO ESTARES

ROMMEL MORALES SR.

SEMDAN SITCHON

SILANG WEST CROSSING

TAGAYTAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with