^

Probinsiya

2 kinasuhan sa pagsasanla ng gusali

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL , Philippines   â€“ Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang inhinyero at isa pa makaraang kasuhan kaugnay sa sinasa­bing pagkakasangla sa limang palapag na gusali sa bayan ng Cainta, Rizal.

Sa salaysay ng presidente ng Great Commission International Colleges and Seminar na si Alberto Olegario, wala kaming kaalam-alam na naisangla na ng mga suspek na sina Engr. Manuel Condino at Liberty Cabangon Canastra ang nasabing gusali na mata­tagpuan sa Marlo Driver, Montevista sa nasabing bayan.

Base sa record, si Con­dino ay dating member ng Great Commissions Board of Trustees noong 2011 kung saan regular itong dumadalo ng mga pagpupulong ng commission. Sinasabing nagpakilalang pangulo at corporate secretary ng nasabing kompanya si Condino kaya nakakuha ng loan sa kompanyang pinapasu­kan ni Canastra sa halagang P11 milyon gamit ang tatlong orihinal na titulo ng gusali.

Sa pahayag ng abogado ni Olegario na si Atty. John R. Castriciones, malinaw na nagkaroon ng sabwatan ang dalawa dahil kahina-hinalang hindi muna bineripika at kinumpirma ni Canastra ang mga dokumentong ipinasa ni Condino bago nagpalabas ng milyong halaga. Napag-alaman ding nawawala sa office records ng Great Commissions ang mga orginal owner’s duplicate copy ng transfer certificate ng mga titulo kaya kinasuhan sina Condino at Canastra. Hindi naman makontak sina Condino at Canastra para magbigay ng kanilang panig.

 

ALBERTO OLEGARIO

CANASTRA

CONDINO

GREAT COMMISSION INTERNATIONAL COLLEGES AND SEMINAR

GREAT COMMISSIONS

GREAT COMMISSIONS BOARD OF TRUSTEES

JOHN R

LIBERTY CABANGON CANASTRA

MANUEL CONDINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with