P.3-M tangay ng akyat-bahay
CAVITE, Philippines – Aabot sa P.3 milyong halaga ng ari-arian ang nalimas matapos looban ng Akyat-Bahay Gang ang tahanan ng 47-anyos na misis sa Barangay Panapaan sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Nadiskubre ang nakawan bandang alas-9 ng umaga matapos umuwi sa Meadow Executive Village ang biktimang si Isabelita Bastasa. Nakapasok ang mga kawatan matapos lagariin ang rehas na bakal sa bintana ng bahay ng pamilya Bastasa na nasa likuran. Tinangay ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang mahahalagang gamit sa loob ng bahay kabilang ang mga alahas.
- Latest