^

Probinsiya

Barko lumubog sa Pangasinan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang iniulat na nasawi habang 14 naman ang nawawala matapos lumubog ang barko sa karagatang bahagi ng Bolinao, Pangasinan kahapon ng umaga.

Ayon kay  Armand Balilo, tagapagsalita ng Phil Coast Guard, nagsagawa nang search and rescue operations sa 14 tripulanteng nawawala sakay ng MV Arita Bauxite na lumubog. 

Nagkaaberya ang engine ng barko na patungo sana sa China mula sa Indonesia para magdala ng coal kung saan binalya ng malalaking alon at tuluyang lumubog.

Gayon pa man, bandang alas-9:20 ng umaga kahapon nang maireport sa PCG ma­tapos makipag-ugnayan si Wang Jun ng M/V Jin Cheng na nadaanan nila ang mga tripulanteng palutang-lutang sa dagat.

“Katunayan katabi ng barko namin ang M/V Jin Cheng na nakapagligtas sa mga sakay ng lumubog na Myanmar vessel. Nagpalabas na rin kami ng notice to mariners para makatulong ang ibang naglalayag na maisalba pa ang mga nawawala,” pahayag pa ni Balilo.

Ayon pa kay Balilo, i-e­evacuate na ng chopper patungo sa bayan ng Sual, Pangasinan ang dalawa sa naisalbang may sakit, kasama ang isang kumpirmadong patay at pitong nasa maayos na kondisyon para makunan ng impormasyon.

Kailangang matukoy agad ng PCG kung saan eksaktong lumubog ang nasabing barko para mas mapabilis ang gagawing paghahanap sa mga nawawalang tripulante.

 

ARITA BAUXITE

ARMAND BALILO

AYON

BALILO

PANGASINAN

PHIL COAST GUARD

V JIN CHENG

WANG JUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with