Trike vs SUV: 1 dedo, 2 sugatan
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines - Isa ang nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos magsalpukan ang traysikel at Ford Ranger ng Comelec officer sa Barangay Kirang sa bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Rodibel de Guzman, 22, habang sugatan naman sina Christopher Arresa, 18; at Genesis Villanueva, 24. Lumitaw sa imbestigasyon na patungong Baguio City si Benjamin Cangawan lulan ng Ford Ranger nang mahagip nito ang kasalubong na traysikel ng mga biktima. Kaagad namang sinaklolohan ng opisyal ang mga biktima at isinugod sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital subalit namatay din si De Guzman. Samantala, kusang dumulog sa himpilan ng pulisya si Cangawan upang sumuko.
- Latest