^

Probinsiya

Gapo, magdidilim dahil sa P4-B utang

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaambang putulan ng supply ng kuryente ang buong Olongapo City dahil sa hindi nababayarang P4 bilyong utang ng lokal na pamahalaan sa Power Sector Asset and Liabilities Management Corp. (PSALM).

Ito ang inihayag ni Dept. of Energy Secretary Carlos Jericho Petilla makaraang tanggapin ng Public Utilities Department ang disconnection notice na inihain ng PSALM kaugnay sa bilyong pagkakautang nito.

Una ng binitawan ng San Miguel Corp. ang pagbibigay ng kuryente sa nasabing lungsod dahil sa hindi rin pagbabayad ng multi-milyong pagkakautang nito bago nakapasok ang PSALM bilang supplier ng kuryente.

Nahaharap ngayon sa malawakang blackout  (citywide power disconnection) ang Olongapo City sa susunod na mga araw.

“Kailangang i-prayoridad ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Gapo kung papaano sosolusyunan ang malaking pagkakautang at dapat gumawa ng panibagong pamamaraan dahil kapag nawalan ng kur­yente na suplay lalo na sa tinaguriang highly urbanized city ay problemang krusyal,” pahayag pa ni Petilla.

ENERGY SECRETARY CARLOS JERICHO PETILLA

KAILANGANG

NAHAHARAP

NAKAAMBANG

OLONGAPO CITY

POWER SECTOR ASSET AND LIABILITIES MANAGEMENT CORP

PUBLIC UTILITIES DEPARTMENT

SAN MIGUEL CORP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with