75 wanted timbog
KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines – Umiskor ang mga awtoridad matapos masakote ang 75 wanted na mga kriminal kabilang ang No. 5 sa talaan sa loob ng isang buwang operasyon sa lalawigan ng Bulacan, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni Bulacan Provincial Police Director P/Sr.Supt. Joel Orduña ang naarestong No. 5 most wanÂted na si Benito Vistan Sr. 47, obrero ng Brgy. Anilao sa Malolos City na may kasong 6 counts ng rape na nakabinbin ang kaso sa sala ni Judge Teresa Mendoza-Arcega ng Regional Trial Court (RTC) Branch 17 at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Samantala kabilang pa sa mga naarestong most wanted na kriminal ay 12 sa Meycauayan City, 13 sa San Jose del Monte City, 8 sa Marilao at iba pa.
Ang iba pang mga nasakoteng wanted sa batas na aabot sa 75 ang bilang ay mula naman sa iba pang mga bayan ng lalawigan.
- Latest