^

Probinsiya

Kinidnap na sanggol na Filipino-Canadian, yaya pinalaya na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang araw matapos na dukutin, pinalaya na ng mga kidnaper ang isang 1-anyos na sanggol na Filipino-Canadian at yaya nito sa isang mall sa Ozamis City, Misamis Occidental nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 Director P/Chief Supt. Juanito Vano bandang alas- 3:30 ng hapon ng pakawalan ng mga kidnaper ang biktima na si Timothy Sokolob at yaya nitong si Caroline Demetre sa Gaisano mall sa lungsod ng Ozamis. Ang mga ito ay narekober ng Ozamis City Police.

Ang sanggol na anak ng isang Pinay sa asawa nitong Canadian ay kinidnap kasama ang yaya nito sa Rosario Homes, Dao, Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Huwebes dakong alas-6:30 ng umaga.

Una ng humingi ng P50-M ransom ang mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa sanggol at yaya nito.

Itinurnover na ang sanggol sa kaniyang mga magulang habang isinailalim naman sa debriefing sa himpilan ng pulisya ang yaya nitong si Caroline.

Hindi naman kumpirmahin ng opisyal kung may kapalit na ransom ang pagpapalaya sa mga bihag.

 

vuukle comment

CAROLINE DEMETRE

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

JUANITO VANO

MISAMIS OCCIDENTAL

OZAMIS CITY

OZAMIS CITY POLICE

PAGADIAN CITY

POLICE REGIONAL OFFICE

ROSARIO HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with