^

Probinsiya

Suspek sa Maguindanao massacre utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang isa sa mahigit 100 suspek sa karumaldumal na Maguindanao massacre na kumitil ng buhay ng 57 katao noong 2009 matapos itong manlaban sa  mga awtoridad habang isa pa ang naaresto sa isi­nagawang operasyon sa lalawigan ng  Maguindanao nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Sr. Supt Me­lecio Mina, Chief ng Criminal Investigation and Detection Group sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang nasawing suspek na si Maguid Amil, 42 anyos.

Bandang alas-2 ng ha­pon, ayon sa opisyal ng magtungo ang mga ope­ratiba ng CIDG, Army’s 1st Mechanized Infantry Batta­lion  upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Amil  sa Datu Unsay, Maguindanao.

Si Amil ay kabilang sa may 196 Private Armed Groups (PAGs) na inorganisa ng maimpluwensyang angkan ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. upang isagawa umano ang madu­gong massacre sa mga kalaban ng mga ito sa pulitika.

Sinabi ng opisyal na sa halip na sumuko ay nag­hagis ng granada si Amil sa mga law enforcers na mabuti na lamang at hindi pumutok.

Dito na nagpaputok ng kaniyang cal .45 pistol ang suspek sa arresting team na nagresulta sa palitan ng putok sa magkabilang pa­nig hanggang sa duguang bumulagta ang target na idineklarang dead-on-arrival sa Maguindanao Provincial Hospital.

Sa isa pang operasyon, bandang alas-4 naman ng hapon ng masakote ang isa pang suspek sa Maguinda­nao massacre na si Nasser Guia, 45-anyos sa Datu Odin Sinsuat, Maguinda­nao. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu naman ni Quezon City Regional Trial Court (RTC ) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.

 

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DATU ODIN SINSUAT

DATU UNSAY

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

MAGUID AMIL

MAGUINDA

MAGUINDANAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with