^

Probinsiya

Umbagerong mister sinaksak ng biyenan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatanggol sa anak na babae mula sa pambubugbog ng sadista nitong mister, bagsak kalaboso ang 54-anyos na ama na sinaksak ang abusadong lalaki sa Purok 10, Barangay Fort Poyohon, Butuan City sa Agusan del Norte kamaka­lawa ng umaga.

Samantala, sumuko sa pulisya ang suspek na si Ereneo Desamparado bitbit ang patalim na ginamit sa pananaksak habang naisugod naman sa provincial hospital ang biktimang si Jones Granada sa tinamong sugat sa tiyan.

Lumilitaw na sumaklolo ang suspek matapos na mabatid ang pagmamalupit ni Jones sa kaniyang anak na si Rowena.

Hindi inabutan ng matandang Desamparado ang anak na si Rowena sa bahay dahil  humingi ito ng tulong sa barangay hall matapos na tutukan ng baril at bugbugin ni Jones dahil sa matinding selos.

Nagkataon namang umu­wi ng kanilang bahay si Jones kung saan inabutan nito ang naghihintay na biyenan at nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Sa matinding silakbo ng galit ay inundayan ng saksak ng matandang Desamparado ang sadistang manugang na bagaman nasugatan sa tiyan ay nagawang makatakbo at makahingi ng tulong sa mga kapitbahay.

AGUSAN

BARANGAY FORT POYOHON

BUTUAN CITY

DAHIL

DESAMPARADO

ERENEO DESAMPARADO

JONES GRANADA

LUMILITAW

ROWENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with