^

Probinsiya

Nagpraktis magbike pisak sa bus

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 18-anyos na lalaki matapos na banggain nito ang kasalubong na pampasaherong bus habang nagpapraktis magmotorsiklo sa kahabaan ng Blas Ople Road sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga. Halos madurog ang bao ng ulo ng biktimang si Janrey Villa, stay-in worker sa nabanggit na barangay habang sumuko naman ang dri­ver ng pampasaherong bus na si Julius Ramos ng Barangay Sto. Niño,Hagonoy, Bulacan. Base sa ulat ni P02 Rommel Legirin, palihim na kinuha ng biktima ang motorsiklo ng kanyang amo at saka nagpraktis. Dito  nakasalubong ng biktima ang First North Luzon Transit Bus (TXS 439) na imbes na huminto ay pinaharurot pa ang motorsiklo kaya sumalisi si kamatayan.

BARANGAY BULIHAN

BARANGAY STO

BLAS OPLE ROAD

BULACAN

FIRST NORTH LUZON TRANSIT BUS

JANREY VILLA

JULIUS RAMOS

MALOLOS CITY

ROMMEL LEGIRIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with