^

Probinsiya

Kawani ng minahan itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 32-anyos na kawani ng minahan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng highway sa Barangay San Andres sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib ng mga bala ng cal. 45 pistol ang biktimang si Edilmero Peñera, kawani ng PHILSAGA Mining Corp. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Martin Gamba, spokesman ng Caraga PNP, nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin at ratratin ng motorcycle-riding gunmen pagsapit sa nabanggit na lugar. Sumemplang ang motorsiklo ng biktima kung saan hindi pa nakuntento ay muli itong nilapitan at pinaputukan upang tiyakin na patay ang target. Narekober sa crime scene ang apat na cartridge  at mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

AGUSAN

BARANGAY SAN ANDRES

BUNAWAN

CARAGA

EDILMERO PE

MARTIN GAMBA

MINING CORP

NAPATAY

NAPURUHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with