ILAGAN CITY, Philippines - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng 39-anyos na misis matapos itong makuryente sa sampayan ng damit sa Barangay Sagat sa bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa.
 Sa police report na nakarating kay P/Supt. Vicente Valdez, nagsampay ng mga damit na nilabhan ang biktima at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakahawak ito sa talop na linya ng kuryente na nakalaylay malapit sa sampayan. Dito na nangisay ang biktima bago bumulagta kung saan naisugod pa ng mga kaanak sa ospital ang biktimang si Florence Belong subalit namatay din.