Kumander ng NPA sumuko
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa Northern Luzon ang sumuko sa mga awtoridad sa lalawigan ng Apayao, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni Sr. Supt. Albertlito Garcia, Director ng Apayao Police, ang sumuko na si si Peter Sawit Piagan, pinuno ng communist Northeast Luzon Committee ng Kilusang Region-Hilagang Silangan Luzon front na kumikilos sa mga lalawigan ng Cagayan at Apayao.
Si Piagan na mas kilala bilang Ka Pedro, Piagan, Renren at Ka Petra sa loob ng kilusan ay boluntaryo umanong sumuko sa mga awtoridad sa tulong na rin ng pinagsanib na puÂwersa ng pulisya at militar sa mismong Barangay nito sa Marag Valley ng Luna, Apayao.
Batay sa talaan ng pulisya, si Piagan ay nasa no. 4 sa Order of Battle ng Cagayan Valley Regional Police Office nitong 2012 simula nang pumasok sa kilusan noong 1980’s.
Ang pagsuko ni Piagan ay kasunod lamang ng pagsuko naman ni Connie Santiago Valera, 29, alias Ka James/Yasser, ang lider ng NPA na kumikilos naman sa lalawigan ng Abra at no.5 sa Order of Battle ng Cordillera Police Office.
- Latest