Landmine explosion: 6 sugatan
MANILA, Philippines - Anim katao kabilang ang limang sundalo ang nasugatan makaraang sumabog ang landmine na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kahabaan ng highway ng Brgy. Kisante, Makilala, North Cotabato kamakaÂlawa ng gabi.
Kinilala ang mga naÂsugatang sundalo na sina Cpl Mohammad Nur Sali, Cpl Hassan Sarip, Private Michael Puro, Pvt Vincent Sumug-oy at Pfc Allan Surop, na nasa kritikal na kondisyon sa insiÂdente. Isa ring sibilyan na natutulog sa kaniyang tahanan ang nasugatan sa insidente.
Sa ulat ng Army’s 6th Infantry Division, bandang alas-11 ng gabi ng maganap ang pagsabog sa Sitio Alang-alang, Brgy. Kisante ng bayang ito.
Kasalukuyang bumabagtas ang military truck na sinasakyan ng mga sundalo sa lugar nang sumabog ang landmine na ikinasugat ng mga ito.
Pinaniniwalaan namang rumesbak ang mga rebelde matapos na malagasan ng malaking puwersa sa engkuwentro sa mga sundalo sa hangganan ng North Cotabato at Davao del Sur kamakailan.
Kinondena naman ng mga opisyal ng militar ang insidente dahilan itinanim ang nasabing landmine sa isang komunidad na maraming nakatirang mga residente.
- Latest