10 magsasaka nalason sa carabao meat
BAGUIO CITY, Philippines – Sampung magsasaka ang iniulat na nalason sa kinaing karne ng kalabaw na pinaniniwalaang kontaminado ng anthrax (bacillus anhtracis) sa bayan ng Lagangilang, Abra.
Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga doktor ng Abra provincial health ang nasabing insidente kung saan nadale ang 10 magsasaka sa nasabing bayan.
Sa tulong ng Abra provincial veterinary office, sinusuri ang balat ng mga biktima dahil sa sintomas ng deadly disease, ayon kay Serafin Alzate ng Office of Gov. Eustaquio Bersamin.
Nabatid na ang mga biktima na pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan ay kumain ng karne ng kalabaw na sinasabing kontaminado ng anthrax.
Kumuha na rin ng blood samples sa mga biktima para isailalim sa verification at detection kung saan ang resulta ay lalabas sa susunod na linggo.
Matatandaan noong May 2010, aabot sa 41-katao ang nalason sa pagkain ng karne ng kalabaw na kontaminado ng anthrax sa bayan ng Villaviciosa.
Base sa medical dictioÂnary, ang anthrax ay serÂyosong sakit ng kalabaw, baka at tupa na maaaring makahawa sa tao kapag nalanghap nito ang alikabok mula sa balat ng hayop o kaya kapag kinain nito ang karne.
Sinasabing ang spores ng bacillus anhtracis ay may kapasidad na mabuhay ng ilang taon sa katawan at balat ng baka, kalabaw at tupa na maaaring makahawa sa taong may sugat.
- Latest