^

Probinsiya

14 bayan, 1 lungsod itinuring na poll hotspots

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines –  Labing-apat  sa dalawampung bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Masbate ang kinokonsi­dera ng PNP na poll hotspots sa nalalapit na May 13 mid term elections.

Sa coordinating confe­rence na pinangunahan ni  P/Senior Supt. Eriberto Olitoquit, Masbate PNP director,  kabilang sa mga bayan sa lalawigan ng Masbate na posibleng magulo sa dara­ting na halalan ay ang Aroroy, Balud, Cataingan, Dimasalang, Esperanza, Masbate City, Milagros, Palanas, Pio V. Corpuz, Placer, San Fer­nando, San Pascual, Uson, Mandaon at ang bayan ng Claveria.

Matatandaan na ang lalawigan ng Masbate ay ang tinaguriang election hotspots sa tuwing sasapit ang halalan dahil sa mainit na labanan ng mga politiko na nagnanais na  makaupo sa puwesto.

Ipinag-utos na ni Olitoquit  din na pag-ibayuhin ang pagbuwag sa mga private armed groups na inaalagaan ng mga politiko na ginagamit sa paghahasik ng karahasan sa nalalapit na eleksyon.

Pinaigting din ang ope­rasyon laban sa mga loose firearms na sinasabing nasa kamay ng mga politiko at pribadong indibidual.

Inilatag na rin ang mga Comelec check point sa iba’t-ibang lugar sa Masbate laban sa mga sibilyang nagdadala ng di lisensiyadong baril na posibleng gamitin sa krimen.

AROROY

ERIBERTO OLITOQUIT

MASBATE

MASBATE CITY

PIO V

SAN FER

SAN PASCUAL

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with