^

Probinsiya

2 bantay salakay na sekyu timbog

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

GUIGUINTO, Bulacan, Philippines  â€“ Kalaboso ang dalawa sa tatlong security guard matapos na marekober sa mga ito ang tatlong matataas na kalibre ng baril na kanilang kinulimbat sa isang kilalang establisimyento sa isang lugar dito kahapon ng umaga .

Kinilala ang mga naares­tong suspek na sina Rusty Razon 28, sekyu ng Ever Glory Metal Inc., at Leo­nardo Bornasal 24, sekyu ng Puregold Department Store na nasa Brgy. Sta. Cruz at residente ng kapwa din sa bayang ito habang kasalukuyan pang tinutugis ang isa pang suspek na si Arnold Rivas.

Ang mga ito ay inireklamo ng biktimang si James Hung, may-ari ng Ever Glory Metal Inc na nasa bisinidad ng RIS compound na nasa Brgy. Tiaong sa bayang ito. Ayon kay P/Supt. Leon Victor Rosete, pinasok ang establisim­yento ng mga suspek at agad na kinulimbat ang dalawang .45, isang .40 mga kalibre na baril at mga bala saka tumakas sa iba’t ibang direksyon.

Nasakote naman ang mga suspek sa isinagawang followup operations ng mga awtoridad.

 

ARNOLD RIVAS

AYON

BRGY

EVER GLORY METAL INC

JAMES HUNG

LEON VICTOR ROSETE

PUREGOLD DEPARTMENT STORE

RUSTY RAZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with