P.3-M vs killer ng DENR offc’l
BAYOMBONG, Nueva Viscaya , Philippines - Nagpalabas ng P.3 milyong pabuya ang pamunuan ng Department of the Environment and Natural Resources Regional Office sa Cagayan Valley para sa simunang makapagtuturo sa killer ng DENR district officer sa bayan ng Maddela, Quirino noong Martes ng Enero 1.
Ito ang inihayag ni Regional Executive Director Benjamin Tumaliuan sa huling hantungan sa napaslang na si Forester Alfredo Almueda.
Ayon kay Tumaliuan, kinakailangan nang matuldukan ang panghaharas at pamamaslang sa kanilang hanay sa pagpapatupad ng batas kalikasan.
Idinagdag ni Tumaliuan na maging ang pamamaslang sa district officer sa bayan ng Sanches Mira, Cagayan na si Melania Dirain ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya matapos barilin at napatay sa loob ng kanyang opisina noong Pebrero 2011.
Nabatid na si Dirain ang nanguna para masabat ang P2 milyong halaga ng illegal shipment ng mga kahoy sa Ilocos Norte noong 2011.
Samantalang binaril at napatay naman si Almueda sa inilatag na checkpoint sa baÂyan ng Maddela, Quirino laban sa illegal na troso.
- Latest