^

Probinsiya

2 holdaper pinabulagta ng pulis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines  - Bulagta ang riding-in-tandem na holdaper  makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. San Juan sa bayan ng Taytay, Rizal, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Danilo Bacas, hepe ng Taytay PNP ang mga napatay na sina Eric  Santos, 32, ng Blk 39, Sitio Damayan, Floodway; at Terensfel Argabio,  26 , ng Barangay Dalig, Antipolo City, Rizal.

Bago maganap ang shootout, hinoldap ng dalawa ang mga biktimang sina Helen Paular at Feliciano Cesar, kapwa nakatira sa Signal Village, Taguig City.

Nakahingi naman ng tulong sa pulisya ang dalawang biktima kung saan naispatan ng mobile patrol unit na papatakas na lulan ng  motorsiklo.

Dito na tinangkang pahin­tuin pero mabilis na pinaharurot ang motorsiklo kaya nagkahabulan.

Nakorner ang dalawa sa bisinidad ng Tapayan road pero sa halip na sumuko ay nakipagbarilan kung saan nauwi sa shootout.

Narekober ang dalawang cal. 45 pistol  iba’t ibang Idetification card na posibleng mula sa iba pang biktima.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY DALIG

DANILO BACAS

FELICIANO CESAR

HELEN PAULAR

RIZAL

SAN JUAN

SIGNAL VILLAGE

SITIO DAMAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with