^

Probinsiya

FFT binuo na rin ng AFP sa Quezon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mabigyang linaw ang naganap na shootout  o rubout, bumuo na rin ang AFP Southern Luzon Command (AFP- SOLCOM) ng fact-finding-team upang imbestigahan ang tropa ng Army Special Forces na tumulong sa pulisya sa madugong ratratan sa hangganan ng Plaridel at Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 13-katao noong Linggo ng hapon.

Ayon kay AFP-SOLCOM spokesman Col. Generoso Bolina, ipinag-utos na ng kanilang Commanding General na si  Major  Gen Alan Luga na masusing imbestigahan kung may nalabag sa law enforcement operations ang tropa ng mga sundalo.

Kabilang sa isinasalang sa imbestigasyon ay ang 25 sundalo sa pamumuno nina 1st Special Forces Battalion Lt. Col. Monico Abang at Capt. Erwin Macalinao ng 3rd Special Forces Company.

Sakaling mapatuna­yan ang pagkakamali ng mga sundalong hiningan ng suporta ng pulisya sa checkpoint kung saan kabilang sa mga nasawi ay si P/Supt. Alfredo Consemino, group director ng police regional office (PRO) IV B, dalawa nitong escort at dalawa ring tauhan ng Philippine Air Force.

Una nang inihayag ng mga opisyal ng PAF na walang bad record  sina 1st Lt Jimbean Justiniani at Staff Sgt. Armando Lescano.

 â€œWe will determine the extent of their liability,” ani Bolina kung saan kapag napatunayang guilty ang tropa nina Abang at Macalinao ay papatawan ng kaukulang parusa alinsunod sa Articles of War (AW) ng AFP.

ALFREDO CONSEMINO

ARMANDO LESCANO

ARMY SPECIAL FORCES

ARTICLES OF WAR

COMMANDING GENERAL

ERWIN MACALINAO

GEN ALAN LUGA

GENEROSO BOLINA

LT JIMBEAN JUSTINIANI

MONICO ABANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with