^

Probinsiya

7-anyos nabaril ng kuya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabulag  ang 7-anyos na babae matapos itong aksidenteng mabaril ng airgun ng nakatatanda nitong kapatid sa bayan ng Mapandan, Pangasinan kamakalawa. Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Inspector Ferdinand Lopez, officer -in -charge ng Mapandan PNP, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa Brgy. Luyan ng nasabing bayan. Ang biktimang si Patricia May Sondia, Grade III pupil ay nabulag ang kanang mata matapos tamaan ng pellet ng airgun kung saan naisugod sa Villaflor Hospital. Halos tulala naman at hindi makausap ang kuya nitong 16-anyos na itinago sa pangalang Jonathan. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na ang airgun ay dinala ng kalaro ni Jonathan kung saan pinaglaruan nito at nakalabit ang gatilyo kaya tinamaan sa kanang mata ng nakababatang kapatid.

 

vuukle comment

AIRGUN

BRGY

LUYAN

MAPANDAN

NABULAG

PANGASINAN

PATRICIA MAY SONDIA

SENIOR INSPECTOR FERDINAND LOPEZ

VILLAFLOR HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with