13 gun-for-hire bulagta sa shootout
PLARIDEL, Quezon , Philippines - Nagwakas ang modus opeÂrandi ng labintatlong armadong kalalakihan na sinasaÂbing gun-for-hire at kasapi ng private armed group (PAGs) matapos na mapatay sa pakikipagbarilan sa pinagsanib na tropa ng pulisya at militar sa kahabaan ng Maharlika Highway sa hangganan ng mga bayan ng Plaridel at Atimonan sa Quezon kahapon.
Sa inisyal na ulat ni Lt. Col. Generoso Bolina, sumiklab ang putukan bandang alas-3:20 ng hapon matapos makasagupa ng pangkat ni Ltc. Monico Abang ng 1st ore timeSpecial Forces Battalion at P/Supt. Balauag ang grupo ng kalalakihan na lulan ng dalawang Montero SUV sa inilatag na checkpoint sa Barangay Tanauan sa bayan ng Plaridel, Quezon.
Lumilitaw na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may dalawang SUV na lulan ang mga armadong kalalakihan na magdaraan sa nasabing bayan mula sa Bicol kaya inilatag ang checkpoint.
Namataan naman ang dalawang sasakyan kung saan pinahinto ng mga awtoridad upang inspection subalit umalingawngaw ang sunud-sunod na putok mula sa mga armadong kalalakihan.
Gumanti ng putok ang mga pulis at sundalo kung saan aabot sa 13 armadong kalalakihan ang napatay sa loob ng dalawang sasakyan.
Wala namang nasawi sa panig ng mga awtoridad habang nasugatan naman si P/Supt. Hansel Marantan na tinamaan ng tatlong bala ng baril kung saan isinugod sa Mt. Carmel Hospital sa Lucena City, Quezon.
Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga napatay na kalalakihan habang narekober naman ang sampung malalakas na kalibre ng baril.
- Latest