Barangay chairman pinatatalsik
RIZAL, Philippines – Pinaniniwalaang kahalintulad ng kaso sa Cebu City ang naganap na insiÂdente sa isang barangay kung saan nanindigan ang barangay chairman na manatili sa barangay hall ng San Luis, Antipolo City, Rizal matapos isilbi ang suspension order ng Sangguniang Panlungsod kamakalawa ng umaga.
Nananatili sa barangay hall si Chairman Atty. Andrei Zapanta kasama ang mga supporters habang nakaantabay naman ang crowd control unit ng pulisya sa anumang magaganap na karahasan.
Napag-alamang tinangka ng ilang barangay kagawad na pasukin ang barangay hall upang ilatag ang suspension order laban kay Atty. Zapanta subalit hindi ito pumayag na umalis sa kanyang opisina.
“They are trying to enforce a decision which has not become final and executor,†pahayag ni Zapanta.
Dahil ang nakalagay sa City Ordinance 94-2001 ay magte-take effect pa after 15 days from receipt of decision. Up to now po wala pa akong natatanggap ng desisyon kaya itong 15-day period ay hindi pa nagsisimula,†paliwanag pa Atty. Zapanta.
May hawak na temporary restraining order (TRO) si Atty. Zapanta na inisyu ni Judge Ruth Cruz-Santos ng Antipolo City Regional Trial Court na petsang Enero 2, 2013.
“Ang mga pangyayari ngayon ay malinaw na political harassment sa aming parte dahil sa kasama ako sa mga nanindigan na sumama sa Punong Lungsod Nilo Leyble upang labanan o ipagtanggol ang karapatan ng mga mamamayan ng Antipolo,†dagdag pa ni Atty. Zapanta.
- Latest