Farmer, factory worker kisay sa kuryente
CEBU CITY, Philippines – Masaklap na pagsalubong sa Bagong Taon ang sinapit ng mga kaanak ng dalawa-katao matapos itong makuryente at mamatay sa magkahiwalay na lungsod sa Cebu noong Biyernes ng umaga.
Si Marlou Borba, 18, ay nakuryente noong Biyernes ng umaga matapos mapahawak sa electric post sa Barangay Sirao, Cebu City, Cebu.
Napag-alamang katatapos pa lamang maligo ni Borba kung saan naglalakad ito sa eskinita sa Sitio Tawagan nang makasalubong si kamatayan.
Naisugod sa Guba Emergency Hospital ang biktima subalit maagap si kamatayan.
Samantala, si Avelino Dayanan, 57, ng Aloguinsan, Cebu, ay idineklarang patay sa Eversley Hospital and Sanitarium matapos makuryente sa pinapasukang Lucky Tableware Factory sa H. Abellana Street sa Barangay Cubacub, Mandaue City, Cebu.
Sa salaysay ng co-worker na si Randel Arellano, 18, bitbit ng biktima ang galvanized iron sheet para pantakip sa coconut shells sa labas ng pabrika nang masagi ang talop na linya ng kuryente.
Dito nagkikisay ang biktima bago bumulagta kung saan mabilis naman naisugod sa nasabing ospital subalit namatay din. Freeman News Service
- Latest