^

Probinsiya

2 pulis nambugbog sa presinto

Dino Balabo - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Philippines —Namemeligrong maharap sa iba’t ibang kasong kriminal at administratibo ang dalawang parak sa Bulacan matapos masangkot sa pambubugbog sa loob ng presinto sa dalawang lalaki kahapon ilang oras matapos selyuhan ang baril ng kapulisan sa lalawigan.

Ang insidente ay kinumpirma ni Chief Inspector Arwin Tadeo, hepe ng pulisya sa bayan ng Angat kung saan tumakbo ang dalawang biktima upang humingi ng tulong, ngunit sinalubong ng bugbog.

Kinilala ang mga biktima na sina Wilfred Balingit at isang kaibigan nito.

 Ayon kay Wilfredo Ba­lingit, ama ng isa sa mga biktima, kumain lamang ng goto ang kanyang anak kasama ang kaibigan sa isang tindahan ‘di kalayuan sa himpilan ng pulisya.

 Sinabi ni Wilfredo na matapos kumain ay tumayo ang kanyang anak upang umihi, ngunit sinita ito ng dalawang asset na nag-akalang hindi sila magbabayad.

 Ayon sa batang Ba­lingit, ipinaliwanag niya na magbabayad sila dahil wala pa sa halagang P50 ang kanilang nakain, ngunit sinuntok agad siya ng police asset.

Nagtatakbo naman ang dalawang biktima sa himpilan ng pulisya upang humingi ng tulong pero pagpasok ng mga ito sa himpilan ay sinalubong sila ng bugbog ng dalawang pulis na hindi muna tinukoy ng opisyal ang pagkakakilanlan dahilan iniimbestigahan pa ang mga ito.

 

vuukle comment

ANGAT

AYON

BULACAN

CHIEF INSPECTOR ARWIN TADEO

DALAWANG

KINILALA

NAGTATAKBO

NAMEMELIGRONG

WILFRED BALINGIT

WILFREDO BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with