^

Probinsiya

400 taon simbahan nasunog

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines – Nabahiran ng kalungkutan ang mga residente  makaraang masunog ang isa sa tatlong pinakamatandang simbahan sa Camarines Norte  sa katatapos na pagdiriwang ng Kapaskuhan sa bayan ng Vinzons, kahapon ng mada­ling araw.

Ang Parokya ni San Pedro Apostol na itinayo noong 1581 sa bayan ng Vinzons  ay tila naging mala impiyerno sa lakas ng hangin dulot ng bagyong Quinta na isa sa dahilan kaya nahirapan ang mga pamatay-sunog na rumesponde kung saan nagsimula ang sunog bandang alauna y medya ng madaling araw.

Ayon kay Monsignor Francisco Regala, nagsimula ang sunog sa bahagi ng  lumang kumbento na  pinaniniwalaang nag-overheat sa Christmas light mula sa Day Care Center.

Kasama sa natupok ang imahe ni San Pedro Apostol at ilang rebulto ng santo sa loob ng simbahan, mga Christmas gift na nakatakda sanang ipamahagi ng parishioners kahapon. 

Kabilang sa nagpaabot ng kalungkutan ang mga ikakasal sa araw ng Sabado para sa Kasalang Bayan habang  aabot naman sa P10 milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

Nakatakda namang magpaabot ng tulong si Governor Edgardo Tallado kay Monsgr. Regala upang alamin ang mga pangunahing panga­ngailangan ng nasabing simbahan.

ANG PAROKYA

AYON

CAMARINES NORTE

DAY CARE CENTER

GOVERNOR EDGARDO TALLADO

KASALANG BAYAN

MONSIGNOR FRANCISCO REGALA

SAN PEDRO APOSTOL

VINZONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with