13 armas isinuko ng Mayor
MANILA, Philippines - Boluntaryong isinuko ng isang alkalde ang 13 armas nito bilang suporta sa pinalakas na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa naglipanang loose firearms kaugnay ng gaganaping mid term elections sa Mayo ng susunod na taon.
Ayon kay CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bago mag-Pasko n ay isinurender ni Mayor Henrich Pimentel ng Tago, Surigao del Norte ang kaniyang mga armas dakong alas-10 ng umaga
Sinabi ni Gamba na personal na nagtungo sa himpilan ng Tago Municipal Police Station (MPS) si Pimentel at isinuko ang kaniyang mga baril na paso na ang lisensya.
Una rito, nanawagan si PNP-Firearms and Explosive Division (PNP-FED) Director P/Chief Supt. Raul Petrasanta sa mga gunholder na isurender ang kanilang mga armas na mga paso na ang lisensya dahilan kung aabutin pa ng Enero ng susunod na taon ay mahaharap na ang mga ito sa kasong kriminal.
Ang mga isinukong armas ni Pimentel ay 13 unit ng cal. 38 revolver na binili ng lokal na pamahalaan ng Tago para magamit ng 13 halal na barangay chairman sa kanilang bayan.
“All surrendered firearms are now under the custody of Surigao del Sur Police Provincial Office for proper disposition”, ayon pa sa opisyal.
- Latest