^

Probinsiya

Brgy. chairman, itinumba sa peryahan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril nang malapitan at napaslang ang isang brgy. chairman ng nag-iisang armadong salarin habang nasa peryahan sa bisperas ng Pasko sa Brgy. Poblacion, Mangatarem, Pa­ngasinan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ricardo Lopez, brgy. chairman sa Poblacion ng bayang ito.

Naganap ang insidente  bandang alas-7:30 ng gabi habang nasa peryahan ang biktima nang lapitan ng armadong lalaki at walang sabi-sabi itong pinagbabaril. Nagawa pang maisugod ang biktima sa pagamutan pero nabigong maisalba ang buhay.

Mabilis namang tumakas ang suspek na humalo sa nagkakagulong mga tao sa plaza kaya nabigo ang mga operatiba na maaresto ito.

Narekober naman ng mga awtoridad sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol at patuloy rin ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.

vuukle comment

BINARIL

BRGY

KINILALA

MABILIS

MANGATAREM

NAGANAP

NAGAWA

NAREKOBER

PASKO

RICARDO LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with