NPA top leader timbog
MANILA, Philippines - Nadakip ang isang most wanted na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Central Visayas sa operasyon sa Manjuyod, Negros Occidental nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ang nasakote na si Filemon Mendrez.
Si Mendrez, isa sa mga most wanted na personalidad sa Central Visayas ay may patong sa ulong P5.25 milyon na matagal ng tinutugis ng batas.
Bandang alas-10 ng umaga ng masakote ng tropa ng Army’s 302nd Infantry Brigade at ng pulisya si Mendrez sa isinagawang law enforcement operation sa Brgy. Tubod, Manjuyod ng lalawigang ito.
Si Mendrez, number 6 top most wanted sa bansa ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery in band at rebelyon na walang piyansang inirekomenda.
Nabatid na si Mendrez gumagamit ng mga alyas na Tatay/Edon ay dating pinuno ng Front Committee 2 sa Central Visayas bago ito naging Deputy Chief ng Central Visayas Revolutionary Party Committee ng NPA movement.
Samantalang nagsisilbi rin itong pinuno ng NPA rebels sa lalawigan ng Negros.
- Latest