Manager ng kompanya natagpuang patay
MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang 27-anyos na manager ng Wyeth Philippines sa tinutuluyan nito sa Barangay Ambago, Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa.
Kinilala ni Caraga PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba ang biktima na si Jared Rick Tagra, nanunuluyan sa Dr. Jugao’s Bachelors Pad sa nasabing barangay.
Sa ulat ng Butuan PNP, bandang alas-11 ng gabi nang makatanggap ng report kaugnay sa pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa pamumuno ni P/Senior Inspector Joel Signar.
Lumilitaw nabago matagpuan ang krimen, nakipag-usap pa umano ang biktima kay Daphne Celine Paredes, 26, na nakatira sa kalapit na bachelor’s pad ng biktima.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.
- Latest