^

Probinsiya

6-anyos kinatay ng ina

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 6-anyos na batang lalaki  na halos lumaylay ang leeg matapos itong pagtatagain ng sariling ina na sinasabing nawawala sa katinuan sa bayan ng Badiangan, Iloilo kahapon ng madaling araw. Sa panayam, kinilala ni Iloilo provincial police office (PPO) director P/Senior Supt. Gil Blando Lebin Jr., ang napatay na si Dashiel Jave Collado. Ang suspek na ina nito ay nakilala naman sa pangalang Rubine Collado, 47, may dinaranas na nervous breakdown. Base sa imbestigasyon, naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng mag-ina sa Barangay Ilong Bukid habang natutulog ang bata bandang alauna ng madaling araw. Nabatid na narinig pa ng mga kapitbahay ang malakas na palahaw ng bata at laking gulat ng mga ito ng madiskubre ang malagim na krimen.

ARAW

BADIANGAN

BARANGAY ILONG BUKID

DASHIEL JAVE COLLADO

GIL BLANDO LEBIN JR.

ILOILO

INA

NABATID

RUBINE COLLADO

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with