Plantasyon ng tubo sinunog
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawang hektaryang plantasyon ang tubo ang iniulat na sinunog ng mga ‘di-kilalang kalalakihan na sinasabing kaagaw na partido sa land dispute sa Barangay Villa Pereda sa bayan ng Delfin Albano, Isabela noong Linggo.
Ayon kay P/Senior Supt. Franklin Mabanag, ang lupain ay pag-aari ni Tomas Pascual ng kalapit bayan ng Tumauini.
Noong Oktubre 2012, kalahating hektaryang bahagi ng 43-ektaryang plantasyon ng tubo ni Chairman Fulgencio Pereda ang winasak ng mga katunggaling claimants na militanteng magsasaka.
Ang plantasyon nina Pascual at Pereda na magkakatabi lamang ay ipinasok nila sa contract growing ng tubo sa Bioethanol producer sa lalawigan.
Sinabi ni Mabanag na una nang pinagbantaan ng mga kasapi ng Danggayan Dagiti Mannalon ti Isabela (DAGAMI) na sisirain nila ang mga plantasyon ng tubo sa mga lupaing inaangkin ng kanilang kasapi hangga’t hindi masolusyunan ng pamahalaan ang kanilang kahilingan.
- Latest