^

Probinsiya

Coal-fired plant may ECC na

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT , Philippines  –  Binigyan na ng environmental clearance certificate (ECC) ng DENR ang kontrobersyal na coal-fired power plant ng RP Energy-Subic na takdang itayo sa Redondo Peninsula upang palawigin pa ang kapasidad nito mula 300 hanggang 600 megawatt. Ayon kay Redondo Peninsula Energy, Inc. President Aaron Domingo, ang pagbibigay ng Department of Environment and Natural Resources- Environmental Management Bureau’s ng ECC ay isang malaking tagumpay para makumpleto ang proyekto. Ang naamyendahang ECC ay pagpapatunay ng kanilang kumpanya sa pagsunod sa mga alituntunin na nakasaad sa guidelines ng DENR-EMB. Magugunita na kinondena at binatikos ang Subic coal-fired power plant at maging sa mga stakeholders ng Subic Bay Freeport. Ayon sa mga bumabatikos, ang posibleng pagpapaandar ng planta ay magdudulot ng pagkasira ng kaliksan sa kapaligiran.

AYON

BINIGYAN

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ENERGY-SUBIC

ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU

MAGUGUNITA

PRESIDENT AARON DOMINGO

REDONDO PENINSULA

REDONDO PENINSULA ENERGY

SUBIC BAY FREEPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with