^

Probinsiya

3 holdaper bulagta sa shootout

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Nasilat ng mga operatiba ng pulisya ang tangkang panghoholdap sa sangay ng  Western Union matapos napatay ang tatlong armadong kalalakihan sa naganap na shootout kahapon ng umaga sa Dasmariñas City, Cavite.

Isa sa mga napatay na holdaper ay si Reynaldo ­Oferania habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa.

Sa ulat ni Police Regional Office 4 A director P/Chief Supt. James Melad, bandang alas-8:15 ng umaga nang maharang ng pulisya ang tatlo na planong hol­dapin ang Western Union sa Barangay Luzviminda II.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may hoholda­ping establisyemento ang tatlong magkakaangkas sa motorsiklo.

Nang maaktuhan ng mga operatiba ng pulisya ang tatlo na umaaligid sa nasabing lugar ay agad naalarma ang mga nakatunog na holdaper.

Tangkang sisitahin ng pulisya ang tatlong nakamotorsiklo nang magpaputok ito ng baril kung saan nauwi sa shootout.

Sa kasagsagan ng putukan ay magkakasunod na bumulagta ang tatlo habang wala namang nasugatan sa panig ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY LUZVIMINDA

CAVITE

CHIEF SUPT

DASMARI

ISA

JAMES MELAD

NABATID

NANG

POLICE REGIONAL OFFICE

WESTERN UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with