Mag-asawa, 2 anak minasaker
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at dalawa nitong anak matapos na pagsasaksakin ng ‘di-kilalang lalaki sa loob ng kanilang kubo sa liblib na bahagi ng Barangay Mabuno sa bayan ng Gattaran, Cagayan kamakalawa.
Ayon kay Cagayan PNP director P/Senior Supt. Gregorio Lim, nadiskubre ni Reynaldo Bitanga ang bangkay ng mag-asawang Danny Baguiwang at Reymalyn Baguiwang kasama ang dalawang anak na sina Reydan, 5; at Reymond Baguiwang, 1.
Sa inisyal na pagsisiyasat, lumilitaw na noong pang Lunes ng gabi pinatay ang mga biktimang tinadtad ng saksak sa buong katawan na animo’y matindi ang galit ng killer.
Sinabi ni Lim na sinisilip ng mga imbestigador ang away sa lupa ang isa sa motibo sa pamamaslang.
Bulubunduking lugar ang tahanan ng mga biktima at malayo pa ito sa iba pang mga bahay sa nasabing lugar kaya walang lumutang na testigo.
- Latest