^

Probinsiya

Facilitator sugatan sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang facilitator ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI), isa sa mga anti-poverty program ng pamahalaan makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng San Jose de Buan, Samar kamakalawa ng umaga. Kinilala ni Captain Gene Orense, spokesman ng Army’s 8th Infantry Division ang biktimang si Harvey John Abelido, facilitator ng KALAHI Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (CIDSS) na tumutulong sa mga mahihirap na komunidad. Nakaligtas naman ang kasamahan nitong si Renado Dacaymat na masuwerteng hindi tinamaan ng bala sa nasabing pananambang. Ayon kay Orense, naganap ang pananambang sa mga biktima habang lulan ng motorsiklo sa Barangay Babaclayon bandang alas-10:55 ng umaga. Noong Agosto 7, 2012 ay dinukot din ng mga rebelde ang isang miyembro ng KALAHI sa Barangay Hagbay, San Jose de Buan, Samar.

BARANGAY BABACLAYON

BARANGAY HAGBAY

BUAN

CAPTAIN GENE ORENSE

COMPREHENSIVE AND INTEGRATED DELIVERY OF SOCIAL SERVICES

HARVEY JOHN ABELIDO

INFANTRY DIVISION

KAPIT BISIG LABAN

NEW PEOPLE

NOONG AGOSTO

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with