^

Probinsiya

3 tulak tiklo sa drug bust

Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Tatlong pinaghihinalaang notoryus na tulak ng droga ang inaresto ng pulisya sa isinagawang drug bust o­peration sa pinaglulunggaan ng mga ito sa Brgy.  Yakal, Silang, Cavite kahapon ng madaling araw. Bitbit ang search warrant, naaresto ng Silang Police ang 3 suspek na nakilalang sina Elmer Apura, 32-anyos; Alvin Galaites, 22 at Dominador Foz, 29 kapwa mga tricycle driver at residente ng Brgy. Yakal ng bayang ito. Batay sa report ng Silang Police, ganap na alas-12:30 ng madaling araw ng masakote nila ang mga suspek sa nasabing lugar base na rin sa nakuhang positibong impormasyon sa illegal ng mga itong aktibidades. Nasamsam mula sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu at mga drug paraphernalia. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2000 ang mga nasakoteng suspek.

vuukle comment

ALVIN GALAITES

BATAY

BITBIT

BRGY

DOMINADOR FOZ

DRUGS ACT

ELMER APURA

SILANG POLICE

YAKAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with