Brgy. tanod itinumba
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang paghihiganti ang motibo matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong kalalakihan ang isang brgy. tanod sa loob ng isang pribadong rancho sa Brgy. San Vicente, San Pablo, Isabela, kamakalawa.
Kinilala ni Chief Insp. Jacob Dangpason, hepe ng San Vicente Police ang biktima na si Fabbitto Bassig na residente ng Brgy. Dalena sa nasabing bayan.
 Lumalabas sa imbestigasyon na tumutulong sa pagkakabit ng kuryente ang biktima sa masukal na bahagi ng rancho na pag-aari ni Don Isabelo
 Soriano nang bigla itong pinaulanan ng bala ng mga armadong salarin na tumakas matapos ang pamamaril.
Ilang mga kaso ng pamamaril at pananambang rin ang naitala sa nasabing bayan ang sinisiyasat pa rin ng pulisya na karamihan ay nag-uugat sa
 paghihiganti sa mga nakaraang pagpatay kaugnay sa asunto sa lupa.
Magugunita na noong nakalipas na Setyembre, tatlong kamag-anak rin ni Tuguegarao City Mayor Delfin Ting ang napatay ng paulanan ng bala ng mga armadong salarin.
- Latest