^

Probinsiya

DENR offc’l itinumba ng tandem

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippine -Hindi na maipagpapatuloy ng 43-anyos na opisyal ng Department of Environment and Natural Resources ang kanyang pakikibaka laban sa illegal logging matapos itong pagbabarilin pabulagtain ng motorcycle-riding gunmen sa bayan ng Angat, Bulacan kahapon ng uma­ga.

Apat na bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Rogelio Santos, miyembro ng task force vs illegal logging  sa Bulacan Environment and Natural Resources at nakatira sa Barangay Baybay sa nasabing bayan.

Ayon kay P01 Euclid Ordoña, pinangangasiwaan ng biktima ang pinatatayong bahay nang lapitan ng dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo.

Nagkunwaring nagtanong sa biktima ang dalawa at nang malingat ito ay biglang pinaputukan ng ilang ulit.

Naisugod pa sa Sto. Niño General Hospital sa bayan ng Bustos subalit idineklarang patay habang patuloy naman ang , imbestigasyon ng pulisya.

 

vuukle comment

ANGAT

APAT

AYON

BARANGAY BAYBAY

BULACAN

BULACAN ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

EUCLID ORDO

GENERAL HOSPITAL

NAGKUNWARING

ROGELIO SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with