TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napagtripang ratratin at mapatay ang magkaibigang lalaki ng isang mister na sinasabing lango sa alak sa loob ng peryahan sa Barangay Victoria sa bayan ng Luna, La Union kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Domingo Nacionales, 34; at Jave Mangabat, 30, kapwa nakatira sa Barangay Sto. Domingo Norte sa nasabing bayan. Samantala, naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Ernie Gorospe, 25, ng Balaoan, La Union. Lumilitaw na magkasamang umiinom ng alak ang dalawa sa videoke stall sa peryahan nang lapitan at pagbabarilin ng suspek.