Mister pinugutan ng kaanak

CEBU CITY, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 40-anyos na mister ma­tapos itong pugutan ng kanyang kamag-anak na lalaki na sinasabing nag-amok noong Sabado ng gabi sa Purok Kan-agahan, Sitio Tagaytay sa Barangay San Tabla, Liloan, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Bobet “Botoy” Canatan habang nasakote at pormal na kakasuhan ang suspek na si Francisco Tumayao Tundag, 49.

Nabatid na si Tundag ay sinasabing dumaranas ng nervous breakdown kaya isinasailalim sa psycho­logical examination.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, si Canatan, kasama sina Metchie Salundaguit at Armando Sungcal ay lulan ng dalawang motorsiklo nang harangin ng suspek na may hawak na itak.

Dito na inihinto ng tatlo ang kani-kanilang motorsiklo bago nagpulasan para iwasan ang suspek na nanli­lisik ang mga mata.

Hinabol ng suspek ang biktima kung saan nang abutan ay pinagtataga bago pinugutan sa liblib na bahagi ng nabanggit na barangay.

Ayon pa kay PO3 Re­nato­ Pendo, inihagis pa ng suspek ang pugot na ulo na may limang metro ang layo sa katawan ng biktima.

Narekober ng pulisya ang dalawang matalim na itak, berdeng polo shirt, at  ang duguang maong shorts ng suspek. Freeman News Service

Show comments